Sec. Roque humingi ng paumanhin sa kaniyang trending video laban sa mga doktor

Matipid ang sagot ni Presidential Spokesperson Harry Roque hinggil sa trending video niya ngayon kung saan makikitang gigil na gigil ito sa grupo ng mga doktor.

Kasabay nito ang pumanhin ng kalihim “Kinukompirma ko po na ako ay naging emotional. Pasensya na po, tao lang.” Ayon kay Roque lahat ng pulong ng Inter-Agency Task Force (IATF) ay sikreto.

Sa nasabing video, kinastigo ni Sec. Roque ang isang grupo ng mga doktor na umaapela na pag-aralan muli ang desisyon ng IATF na luwagan na ang quarantine classifications sa Metro Manila.


Galit na galit na dinepensahan ng kalihim ang mga hakbang ng pamahalaan sa patuloy na laban sa COVID-19.

Sa video, pinatutsadahan nito ang grupo ng mga doktor dahil tila sila lang ang may pakialam sa kalusugan ng mga Pilipino.

Aniya, wala ni isa sa gobyerno ang nais na masawi ang ating mga kababayan dahil sa COVID-19.

Ngayong tanghali, mayroong presscon ang kalihim at inaasahan ang pagsagot niya hinggil sa nasabing usapin.

Facebook Comments