Sec. Roque, nasa Estados Unidos ngayon para dumalo sa UN International Law week

200

Kinumpirma ni Presidential Spokesperson Sec. Harry Roque na nasa Amerika siya ngayon para sa isang official trip.

Ayon kay Roque, dadalo siya sa UN International Law week kung saan siya ang isa sa mga kinatawan o opisyal ng pamahalaan na ipinadala mula sa Office of the President at Department of Foreign Affairs (DFA).

Kasama rin niya ang kanyang may bahay pero depensa nito, sarili niyang gastos ang byahe ng kanyang asawa.


Matatandaang nominated si Roque sa International Law Commission.

Ang pagiging propesor ng kalihim sa international law sa UP College of Law sa loob ng 15 taon ang isa sa mga naging kwalipikasyon nito sa naturang ILC post.

Facebook Comments