Sec. Roque, pumalag sa akusasyon ni PRC Chairman Gordon; pakisawsaw sa isyu ng PRC at PhilHealth, itinanggi

Dumipensa si Presidential Spokesperson Secretary Harry Roque sa sinabi ni Philippine Red Cross (PRC) at Senator Richard Gordon na nangingialam siya sa usapin o sa isyu sa pagitan ng Red Cross at ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth).

Ayon kay Roque, hindi siya nanghihimasok sa isyu ng PhilHealth at ng PRC pero nagsasalita siya sa ngalan ng ating Pangulong Rodrigo Duterte.

Paliwanag nito, importante kay Presidente Duterte ang testing dahil bahagi aniya ito ng istratehiya ng gobyerno laban sa COVID-19 o ang malawakang COVID-19 testing.


Giit pa ng kalihim, interesado rin siya sa usapin dahil isa siya sa mga nagsulong ng Universal Health Care (UHC) Law noong 17th Congress kung saan nais niyang matiyak na ginagawa ng PhilHealth ang kanilang mandato na magpatupad ng batas.

Matatandaang una nang itinigil ng PRC ang pagsasagawa ng RT-PCR test dahil sa pagkakautang ng PhilHealth na ang kalahati ay nabayaran na.

Facebook Comments