Sec. Roy Cimatu, bumalik ng Metro Manila para pangunahan ang disinfection sa DENR Central Office

Pinangunahan ni Environment and Natural Resources Secretary Roy Cimatu ang isinagawang disinfection sa central office ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) kasunod ng pagpositibo sa COVID-19 ng dalawang kawani ng Environmental Management Bureau (EMB).

Si Cimatu ay dumating kagabi mula sa Cebu City matapos niyang pangunahan ang COVID-19 response doon base na rin sa utos ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Kaninang umaga ay dumiretso ang kalihim sa DENR para personal na subaybayan ang disinfection sa mga gusali nito.


Ipinag-utos din niya ang pansamantalang lockdown sa DENR central office at ang agarang contact tracing sa mga nakasalamuhang empleyado ng mga nagpositibo sa virus.

Nais din ni Cimatu na isailalim sa rapid test ang iba pang mga empleyado ng DENR sa mga regional at provincial offices nito upang alamin kung may iba pa bang infected ng COVID-19.

Naka-isolate na ngayon ang dalawang empleyado ng EMB at isinailalim na sa Polymerise Chain Reaction (PCR) test nito para sa confirmatory ng kanilang sakit.

Facebook Comments