Tiniyak ng National Task Force against COVID-19 at ng Department of Health (DOH) na magiging available sa mga healthcare workers ang ikalawang dosage ng coronavirus vaccine.
Sa statement ng NTF at DOH, ang mga healthcare workers na naturukan ng unang dose ng bakuna ay makatatanggap din ng second dose batay sa itinakdang schedule.
Mula nitong March 11, nasa 84,000 indibidwal na ang nabakunahan laban sa COVID-19.
Nasa 3.4 million na bakuna ang kailangan para sa lahat ng healthcare workers sa bansa.
Sa ngayon, mayroong 600,000 doses ng Sinovac vaccines ang bansa na donasyon ng Chinese Government at 525,600 doses ng AstraZeneca vaccines mula naman sa COVAX Facility.
Facebook Comments