Second Foreign and Defense Ministerial Meeting ng Pilipinas at Japan, pormal nang nagbukas

PHOTO: Joyce Adra/DZXL News

Pormal nang nag-convene ang ikalawang Foreign and Defense Ministerial Meeting sa pagitan ng Pilipinas at Japan sa The Fort, Taguig City.

Sa pauna, magbibigay ng opening remarks kaugnay ng bilateral meeting sina Foreign Affairs Secretary Enrique Manalo at Japanese Foreign Minister Yoko Kamikawa.

Susundan naman ito nina National Defense Sec. Gilberto Teodoro at Defense Minister Minoru Kihara.


Kabilang sa tatalakayin ng mga opisyal ang hinggil sa usaping pangseguridad sa rehiyon gayundin ang ugnayan ng Pilipinas at Japan sa defense policy coordination.

Ang pagpupulong ng Pilipinas at Japan ay sa harap din ng mga agresibong akyson ng China sa South China Sea at East China Sea.

Facebook Comments