Second-level officer ng PNP, tiniyak na isasailalim din sa internal cleansing

Isasailalim din ng Philippine National Police (PNP) sa imbestigasyon ang mga second-level officer nito kabilang na ang mga lieutenant colonel at executive master sergeant.

Ito ay sa gitna ng pagsisikap ng PNP na malinis ang kanilang hanay sa iligal na droga.

Ayon kay PNP Chief Rodolfo Azurin Jr., sunod na isasailalim sa internal cleansing ang mga second-level officer kapag natapos na ang pagsusuri sa record ng mga third-level officer na nagsumite ng courtesy resignations.


“After this exercise, definitely we will go down to the next level, which is we really need to engage our second-level officers kasi sila yung mga nasa ground eh,”

Nauna nang sinabi ni Azurin na 97 porsyento ng third-level officers ng PNP ang nagsumite na ng courtesy resignation.

Giit ni Azurin, pagpapakita lamang ito ng katapangan ng mga koronel at heneral na kumasa sa hamon ni Department of the Interior and Local Government Sec. Benjamin Abalos Jr., na linisin ang hanay ng Pambansang Pulisya partikular sa iligal na droga.

Facebook Comments