Second phase ng training ni Manny Pacquiao, ipagpapatuloy sa Gensan

Manila, Philippines – Ipagpapatuloy ni Pinoy Boxing Champ Sen. Manny ‘Pacman’ Pacquiao ang ikalawang yugto ng kanyang training sa kanyang hometown sa General Santos City.

Ayon sa best friend at co-trainer nito na si Buboy Fernandez, gusto ni Pacman na makasama ang pamilya nito habang nagti-train.

Hindi rin aniya ito natatakot sa kabila ng implementasyon ng martial law sa buong Mindanao dahil sa nangyayaring bakbakan sa Marawi City.


Ayon pa kay Fernandez, hindi dapat matakot si Pacman sa sarili nitong bayan.

Samantala, nakatakda namang pumunta sa Brisbane, Australia ang pinoy champ isang linggo bago ang laban nito kay Jeff Horn sa July 2 para depensahan ang World Boxing Organization (WBO) welterweight title nito.

Sa ngayon ay nasa 40,000 nang tickets ang sold-out para sa gaganaping Pacquiao-Horn fight sa Suncorp stadium.

DZXL558

Facebook Comments