Second round ng “Bayanihan, Bakunahan”, umarangkada na

Umarangkada na ang second round ng 3-Day National Vaccination drive sa bansa ngayong araw.

Isinagawa ang kick-off ceremony ng ikalawang “Bayanihan, Bakunahan” sa Cabanatuan City, Nueva Ecija.

Personal itong dinaluhan nina Health Secretary Francisco Duque III, Vaccine Czar Carlito Galvez Jr. at ng iba pang miyembro ng National Task Force Against COVID-19.


Una nang sinabi ng Department of Health (DOH) na tututukan nila sa pagbabakuna ang mga probinsyang may pinakamababang vaccination rate sa Northern Luzon, Central Luzon at CALABARZON.

Samantala, maaga ring pinilahan ang mga bakunahan center dito sa Metro Manila.

Sa Pasig, karamihan ng mga pumila ay nagpabakuna dahil requirement sa kanilang trabaho.

Nagpadala naman ng medical team ang lokal na pamahalaan ng Mandaluyong para tumulong sa bakunahan sa Laguna.

Samantala, bagama’t kinansela ang bakunahan sa ilang rehiyon sa bansa dahil sa bagyong Odette, nananatili sa pitong milyon ang target na mabakunahan simula ngayong araw hanggang sa December 17.

Facebook Comments