Aabot pa lamang sa 17% ng mga benepisyaryo ang nakatanggap ng cash subsidy sa ilalim ng Social Amelioration Program (SAP).
Ayon kay Department of Social Welfare and Development (DSWD) Secretary Rolando Bautista, tanging 2.1 million beneficiaries pa lamang ang nakatanggap ng ayuda, o 17.39% ng kabuuang 12 million target household beneficiaries.
Paliwanag ni Bautista, kailangang sumailalim sa deduplication ang listahan ng mga benepisyaryo.
Aniya, naaantala ang pagbibibgay dahil sa validationg efforts para matiyak na hindi doble ang matatangap ng mga benepisyaryo mula sa SAP program ng iba pang ahensya tulad ng Department of Agriculture (DA), Department of Trade and Industry (DTI) at Department of Labor and Employment (DOLE).
Nakakatanggap din sila ng ulat na naaantala ang pagbibigay ng ayuda mula sa mga Local Government Units (LGUs).
Sa ngayon, ang ayuda ay ipinamamahagi sa mga benepisyaryo sa pamamagitan ng partner financial service providers pero mayroon itong limitasyon bunsod ng “know-your-customer” rules.
Sa ilalim ng programa, bibigyan ang mga benepisyaryo ng nasa ₱5,000 hanggang ₱8,000 cash monthly assistance sa loob ng dalawang buwan, depende sa umiiral na regional minimum wage.
Target ng DSWD na maabot ang 80% sa katapusan ng buwan.