Second wave ng COVID-19, kakayanin ng Pilipinas sa pamamagitan ng localized lockdowns ayon sa DOF

Naniniwala ang Department of Finance (DOF) na kakayanin ng ekonomiya ng Pilipinas ang second wave o ikalawang bugso ng coronavirus infections kung ang mga ipapatupad na lockdown ay ilo-localized.

Sa pagdinig ng Senado, sinabi ni Finance Secretary Carlos Dominguez III, may sapat pang kakayahan ang bansa para magpatupad ng localized lockdowns.

Sa ilalim nito, ang mga lugar na may mataas na kaso ng COVID-19 na lamang ang ilalagay sa mahigpit na lockdown, depende sa kung gaano kalaki ang apektadong lugar.


Sa taya ng Economic Managers, tinatayang aabot sa ₱2 trillion ang mawawala dahill sa mga negosyong naapektuhan ng lockdown restrictions.

Una nang sinabi ni Health Secretary Francisco Duque III at National Task Force against COVID-19 Chief Implementer Carlito Galvez Jr. na wala nang ipatutupad na malawakang lockdown sakaling magkaroon ng second wave ng coronavirus infections.

Facebook Comments