Nilinaw ng Department of Health (DOH) na naabot na ng Pilipinas ang pinakatuktok o peak ng second wave ng COVID-19 nitong Marso.
Ito ay matapos maiulat ang 538 na bagong coronavirus infections.
Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, nagawa ng bansa ang ‘flattening the curve.’
Aniya, ang kasalukuyang sitwasyon sa bansa ay maituturing na “first major wave.”
Dagdag pa niya, ang unang wave ay isang “minor wave” na binubuo ng tatlong Chinese nationals na idineklarang mga unang kaso ng COVID-19 sa bansa nitong Enero.
Matatandaang inamin ni DOH Secretary Francisco Duque III sa pagdinig ng Senado na nakakaranas na ang bansa ng ikalawang bugso ng COVID-19.
Facebook Comments