Second wave ng COVID-19 sa bansa, isang “first major wave” ayon sa DOH

Ikinokonsidera ng Department of Health (DOH) bilang “first major wave” ang second wave ng COVID-19 cases sa bansa.

Ito ay matapos maitala ang higit 10,000 infections.

Ayon sa Epidemiologist na si Dr. John Wong, miyembro ng inter-agency COVID-19 task force, ang tatlong Chinese nationals na tinamaan ng sakit nitong Enero ay bahagi ng unang bugso ng infections.


Para kay Wong, ang depinisyon ng outbreak ay ang “pagtaas at pagbagsak” ng mga kaso.

Ang average rate ng mga bagong kaso sa bansa ay nasa 220 cases kada araw, kung saan ang pinakamataas na bilang ng kaso ay naitala nitong Marso na nasa higit 500.

Mahalaga aniyang mapalakas pa ang health system capacity ng bansa.

Binigyang diin pa ng eksperto na kailangang mapigilan ang tuluy-tuloy na bugso ng infection kapag niluwagan ang quarantine restrictions sa bansa.

Facebook Comments