Cauayan City, Isabela-Ikinokonsidera ng Department of Health (DOH) Region 2 na ‘second wave’ ang muling pagkakaroon ng mga naitatalang kumpirmadong kaso ng corona virus sa buong Cagayan Valley.
Ito ay matapos makapagtala ang rehiyon ng siyam (9) na covid-19 positive ang kabilang ang 8 mula sa Isabela, 1 Nueva Vizcaya at 1 sa Cagayan.
Ayon kay Ginoong Lexter Guzman, Health Education and Promotion Officer ng DOH Region 2, aniya makaraan ang 41-araw ng manatili sa zero case ang buong rehiyon ay nakapagtala muli ng panibagong kaso.
Sa kabila nito, pinakahuling naitala ang isang 13-anyos na lalaki na isang ‘asymptomatic’ mula sa Santiago City.
Kabilang ang bata sa mga Locally Stranded Individual (LSIs) na umuwi ng lungsod nitong Hunyo 17.
Sa ngayon ay patuloy ang contact tracing na isinasagawa ng Lokal na Pamahalaan at iba pang ahensya ng gobyerno para maiwasan ang posibleng pagkalat ng sakit.
Nananatili na COVID-1 Free ang Lalawigan ng Batanes at Quirino.