Manila, Philippines – Kapwa sang-ayon sina Defense Secretary Delfin Lorenzana at PNP Chief Ronald Bato Dela Rosa sa naging pahayag ng Pangulong Rodrigo Duterte na dapat nang buwagin ang CHR o Commission on Human Rights.
Paliwanag ni General Bato, hindi nila kailangan ang CHR para turuan sila sa karapatang pantao.
Alam raw naman nila ito at may sarili aniya silang konsensya na hindi na raw dalat idikta pa.
Giit ni Dela Rosa, kaya namang dispilinahin ng PNP ang kanilang mga pulis.
At sila na raw ang bahala sa checks and balances sa kanilang hanay.
Sang-ayon dito si Lorenzana na sinabing hindi kailangan ang CHR dahil kasama naman sa kanilang sinumpaang tungkulin na sundin ang nakapaloob konstitusyon kabilang na rito ang bill of rights o ang karapatan ng mga tao.
Katulad ng sinabi ni General Dela Rosa, sinabi ni Lorenzana na kaya nilang disiplinahin ang kanilang mga tauhang lalabag sa katapatang pantao.