Secret balloting sa speakership, hindi sinangayunan ng ilang mambabatas

Manila, Philippines – Tinabla ng ilang mambabatas ang mungkahi ni Caloocan Representative Edgar Erice na magkaroon ng secret balloting sa pagpili ng house speaker.

Ayon kina Capiz Representative Fred Castro at Anakalusugan Representative Mike Defensor, wala naman sa rules ng Kamara ang secret balloting sa pagpili ng house Speaker.

Ang secretary-general aniya ang nagtatala kung sino ang bumoto sa isang kandidato.


Mangangailangan din muna ng pag-amyenda sa rules ng Kamara na aaprubahan ng mga miyembro para maisagawa ang secret balloting.

Hindi rin anila maaaring magkaroon ng caucus bago ang botohan sa speakership dahil magkakasamaan lamang ng loob ang mga kongresista.

Maaari lamang gawin ang pagpupulong bago ang mismong botohan kung mismong si Pangulong Duterte ang magsabi sa majority bloc na mag-usap at pumili ng kanilang nais patakbuhing house speaker.

Facebook Comments