Manila, Philippines – Muling binatikos at tinawag na “Flip-Flop King” ni Senator Risa Hontiveros si Justice Secretary Vitalliano Aguirre.
Ito ay matapos na baligtarin ni Aguirre at ibaba sa kasong homicide ang naunang rekomendasyn na kasong murder laban sa mga pulis na sangkot sa pagpatay kay Albuera, Leyte Mayor Rolando Espinosa.
Binigyang diin ni Hontiveros na hindi dapat binawi ng Department of Justice ang nauna nitong rekomendasyon noong March 2017 na tugma sa findings ng Senado at National Bureau of Investigation na sinadya o pinagplanuhan ang pagpatay kay Mayor Espinosa.
Naniniwala si Hontiveros na ang nabanggit na hakbang ni Secretary Aguirre ay tuluyang nagpababa din sa reputasyon at integridad nito sa mata ng publiko.
Dahil dito, balak ni Hontiveros na ipatawag si Aguirre sa Senado upang magpaliwanag bakit ibinaba ang kaso laban sa mga Leyte police.