Secretary Aguirre, guilty sa kasong harboring a criminal at obstruction of justice – ayon kay Senator Trillanes

Manila, Philippines – Muling binanatan ni Senator Antonio Trillanes IV si Justice Secretary Vitaliano Aguirre.

Kaugnay ito sa direktiba ng kalihim sa National Bureau of Investigation na imbestigahan ang mga indibidwal na tumutulong SPO3 Arturo Lascañas para ipagharap ng mga kasong harboring a criminal at obstruction of justice.

Giit ni Trillanes, kung mayroon mang guilty sa nabanggit na mga kaso, yun ay walang iba kundi si Aguirre.


Paliwanag ni Trillanes, ang boss mismo ni Aguirre na si Pangulong Rodrigo Duterte ay mass murderer at mastermind umano ng mga kaso ng pagpatay.

Ayon kay Trillanes, ang mga kaalyado ni Duterte ay malinaw na sagabal sa pag-usad ng sistema ng hustisya sa bansa.

Patunay aniya nito ang pagtrabaho ng mga kaalyado ni Pangulong Duterte sa Kongreso para mabasura ang impeachment case laban sa kanya.

“If there is someone harboring a criminal, then it is Aguirre himself because the mastermind and mass murderer here is his boss, Duterte,” pahayag ni Trillanes.

Kasabay nito ay ipinaalala pa ni Trillanes kay Aguirre na legal ang paglabas ng bansa ni Lascañas na dumaan pa sa Immigration counter ng Bureau of Immigration sa airport.

Kaugnay naman sa deriktiba ni Aguirre sa NBI na makipag-ugnayan sa Interpol para dakpin si Lascañas ay tinatanong ng senador si Aguirre kung paano ito nakakasiguro na wala pa sa refugee status si Lascañas sa ibang bansa.

“As to the Interpol, how sure is Aguirre that Lascañas is not yet on refugee status in another country?” -ayon kay Trillanes.

Facebook Comments