Manila, Philippines – Hindi pa pinagpapaliwanag ni Pangulong Rodrigo Duterte si Justice Secretary Vitallano Aguirre kaugnay sa muling pagbuhay ng operasyon ng iligal na droga sa New Bilibid Prison na nasa ilalim ng pangangasiwa ng DOJ.
Sa talumpati ni Pangulong Duterte sa anibersaryo ng Bureau of Jail Management and Penology o BJMP kanina ay sinabi ni Pangulong Duterte na batay sa impormasyong nakarating sa kanya ay aabot sa 400 kilo ng shabu ang nakapasok sa NBP.
Lumalaki pa aniya ito dahil maging ang Davao Penal Colony ay pinasok narin ng iligal na droga.
Imbes na kastiguhin ng Pangulo si Aguirre ay nagbiro nalang ito na isasakay sa barko ang mga preso at palulubugin sa gitna ng dagat.
Matatandaan na noon ay panay ang turo ni Aguirre kay Senador Leila de Lima na siya umanong ulo ng operasyon ng iligal na droga sa bilibid pero si Aguirre din ang nagsabi na bumalik na ang operasyon iligal na droga sa NBP kahit nakakulong na si De Lima.
tags: RMN News Nationwide The Sound of the Nation, Luzon, Manila, DZXL, DZXL558