Secretary Aguirre, itinuturing ni Sen. De Lima na clown ng Duterte administration

105

Manila, Philippines – Para kay Senator Leila De Lima, lalo lang ipinakita ni Justice Secretary Vitaliano Aguirre ang pagiging clown ng Duterte administration.

Pahayag ito ni De Lima makaraang isangkot ni Aguirre sa Marawi Siege ang kanyang mga kasamahan sa minorya na sina senators Bam Aquino at Antonio Trillanes IV.


Ayon kay De Lima, nakakagalit ang umanoy pagiging istupido ng kalihim ng katarungan na ibase ang alegasyon sa mga taga oposisyon sa fake news at lumang larawan.

Hinala ni De Lima, layunin ni Aguirre sa pagbabato ng akusasyon na gibain ang panawagan laban sa napipintong pagpapalawig sa buong bansa ng martial law na idineklara ni Pangulong Rodrigo Duterte sa buong Mindanao.

Nakakaidismaya para kay De Lima ang patuloy na pagmanipula ng kampo ni Pangulong Duterte sa katotohanan.
DZXL558, Grace Mariano

Facebook Comments