Manila, Philippines – Nagsampa ng reklamo sa Senate Ethics Committee si Justice Secretary Vitaliano Aguirre II laban kay Senator Risa Hontiveros.
Hiling ni Aguirre na masuspende o tuluyang mapatalsik sa Senado si Hontiveros.
Giit ni Aguirre, unethical at hindi nararapat para sa isang public servant ang ginawa ni Hontiveros na pagsilip at paglalantad sa kanyang pribadong text messages kay dating Congressman Jing Paras.
Diin ni Aguirre, sinadya ni Hontiveros na pakunan ng larawan ang kanyang text messages kasabwat ang isang photographer.
Malinaw aniya na may mga paglabag sa konstitusyon at sa batas na nagawa si Hontiveros at dapat itong maparusahan.
Facebook Comments