Manila, Philippines – Hinamon ni Akbayan Rep. Tom Villarin si Justice Secretary Vitaliano Aguirre na bumaba na sa pwesto kasunod ng ginawang pagsasampa niya ng kaso kay Senator Risa Hontiveros.
Para kay Villarin, dahil sa naging hakbang ng kalihim na kasuhan si Hontiveros ay lumalabas na hindi niya alam ang panuntunan sa batas.
Aniya, hindi pwedeng kasuhan ang isang mambabatas dahil sa privilege speech.
Kampante naman si Villarin na walang pupuntahan ang mga ikinaso ni Aguirre kay Hontiveros kundi sa basurahan.
Ayon kay Villarin, dapat mag demand na din ang publiko na umalis sa pwesto si Aguirre dahil injustice ang pinaiiral nito sa ahensya.
Sinabi pa nito na sing-sama ng wig niya ang pagiging arogante ni Aguirre.
Matatandaang sinampahan ni Aguirre si Hontiveros ng kasong paglabag sa anti-wiretapping law dahil sa pagsasapubliko ng litrato ng palitan nila ng mensahe ng isang dating kongresista.