Manila, Philippines – Tiniyak ni Presidential Communications Secretary Martin Andanar na sisilipin nila kung mayroong pananagutan si Communications Assistant Secretary for Social Media Mocha Uson matapos lumabas sa mga balita na patuloy ang kanyang mga performances sa ilang establisyemento kabilang na ang casino.
Ito naman ay sa kabila ng kautusan ni Pangulong Rodrigo Duterte sa pamamagitan ng Memorancum Circular number 6 kung saan pinagbabawal ang mga opisyal at empleyado ng pamahalaan na magpunta sa mga casino.
Ayon kay Andanar, maaari namang mag-perform si Uson kung gusto nito pero sinabi aniya niya na kung maaari ay huwag nang mag-perform sa mga casino.
Paliwanag ni Andanar, pinakiusapan siya ni Uson na i-honor o ituloy ang mga performance contract na nalagdaan niya bago siya pumasok sa gobyerno.
Pero sisilipin aniya nila ang pananagutan ni Uson sa memorandum ng Pangulo.