Secretary Bello, binigyan ni President Duterte ng ultimatum kaugnay ng problema ng mga manggagawa sa ENDO

109
Binigyan ng isang linggong palugit ni Pangulong Duterte si Labor Secretary Silvestre Bello III para ayusin ang problema ng mga manggagawa na apektado ng contractualization o end of contract.

Kasunod ito ng ginawang pakikipagpulong ng Pangulo sa ilang labor groups kung saan ipinarating ang kanilang mga reklamo.

Ayon sa Pangulo, napakaraming reklamo tungkol sa EndO at contractualization kaya kailangang kumilos si Bello.

Sinabi ng Pangulo na hindi rin niya tinanggap ang hirit ni Bello na bigyan siya ng extension na hanggang Abril para ayusin ang problema sa EndO.

Iniutos din ng Pangulo na ipagbawal na ang pagkuha ng mga empleyado sa pamamagitan ng agency at sa halip ay ibalik ang direct hiring.



Labor Secretary Silvestre Bello III

Facebook Comments