Sa pagdinig ng Senado na pinamunuan ni Senate President Tito Sotto III ay sinita nina Senators Joel Villanueva at Panfilo “Ping” Lacson ang magulo at magkakaibang datos ng Department of Agriculture (DA) kaugnay sa magiging pork shortage dahil sa African Swine Fever (ASF).
Sermon naman ang inabot ni Agriculture Secretary Wiliam Dar mula kay Senator Cynthia Villar dahil base aniya sa computation ng lahat ay nasa 150,000 metriko tonelada lamang ang dapat angkating pork.
Diin ni Villar, ganito rin ang pigura na ibinigay ni Dar noong Enero kaya nakakapagtaka na 404,000 metriko tonelada ang inirekomenda nitong angkatin na pork ng bansa.
Mariin namang itinanggi ni Secretary Dar na nagmamanipula sila ng numero sabay giit na hindi rin totoo na wala silang ginagawa para tugunan ang ASF outbreak sa bansa.