Secretary Gina Lopez, bypassed na ng Commission on Appointments

Manila, Philippines – Maituturing ng bypassed ng Commission on Appointments o CA ang ad interim appointment ni DENR Secretary Gina Lopez na ngayon ay nasa Amerika.

 

Ito ang inihayag ni CA Committee on Environment and Natural Resources Chairman Senator Manny Pacquiao.

 

Paliwanag ni Pacquiao, bukas ay mag-aadjourn na ang session at wala na silang pagkakataon na pagbotohan ang kumpirmasyon ni Lopez na mayroong mahigit 20 oppositors.

 

Ngayong araw ay nagpulong ang mga miyembro ng CA at kanilang pinakinggan ang presentation ni Finance Secretary Carlos Dominguez kaugnay sa panig ng Mining Industry Coordinating Council o MICC at ang epekto ng ginawa ni Lopez na pagpapasara sa 23 mining firms

 

Sa kanyang presentation ay ipinaliwanag ni Dominguez na role ng MICC na pagaralan ang mining operations sa bansa at magbigay ng rekomendasyon sa DENR.

 

Iginiit ni Dominguez, na may tamang proseso na dapat masunod sa auditing at pagpapasara ng mga mining companies.

 

Sa ngayon ayon kay Dominguez, nag-o-operate pa rin ang 28 minahan na pinasara at sinuspinde ni Lopez dahil may nakabinbin pa silang apela sa DENR at sa Office of the President.

 

Sabi ni Pacquiao ang record o minutes ng meeting ngayon ay ipapadala nila kay Secretary Lopez para makapaghanda siya ng kasagutan sa muli niyang pagsalang sa CA confirmation hearing sa pagbabalik ng session sa buwan ng Mayo sakaling ire-appoint siya ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Facebook Comments