Nabigo si Presidential Spokesperson Harry Roque na makakuha ng posisyon sa United Nations – International Law Commission (UN-ILC)
Ito ay matapos makakuha lang si Roque ng 87 na boto na siyang pinakamababa sa lahat.
Mababa ito kumpara sa 150 na botong nakuha ng mga bansang India, Thailand, at Japan.
Una nang tinutulan ng nasa 150 Philippine lawyers ang nominasyon ni Roque sa ILC.
Paliwanag ng mga ito, hindi nararapat sa kalihim ang posisyon dahil hinahayaan lamang umano nito ang mga pagpaslang, pag-atake sa rule of law at poor pandemic response ng administrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Kaugnay nito, malugod namang tinanggap ng kalihim ang resulta ng nominasyon at nagpaabot ng pagbati sa mga newly-elected members ng ILC.
Facebook Comments