Secretary Harry Roque, dapat taos-pusong mag-sorry sa mga health workers

149

Hinimok ni Philippine College of Physician (PCP) President Dr. Maricar Limpin si Presidential Spokesperson Secretary Roque na taos-pusong humingi ng paumanhin sa hanay ng mga health workers.

Ito ay matapos ang isang viral video kung saan kinastigo ng kalihim ang isang grupo ng mga doktor na umaapela na pag-aralan muli ang desisyon ng Inter Agency Task Force (IATF) na luwagan na ang quarantine classifications sa Metro Manila.

Sa interview ng RMN Manila, sinabi ni Limpin hindi naging kaaya-aya ang ipinakitang asal ni Roque lalo’t mataas ang posisyong hinahawakan nito sa gobyerno.


Inamin din ni Limpin na malaki ang naging epekto ng sinabi ni Roque sa emosyonal na estado ng mga health care workers sa bansa.

Facebook Comments