Secretary Harry Roque, hindi susuway sa utos ni Pangulong Duterte

Manila, Philippines – Tiniyak ni Incoming Presidential Spokesman Harry Roque na hindi niya susuwayin ang marching orders sa kanya ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Matatandaan na inanunsiyo na ni Pangulong Duterte na pinalitan na niya si Presidential Spokesman Ernesto Abella bilang tagapagsalita at iniupo si Harry Roque sa posisyon.

Ayon kay Roque, dalawa lamang ang ibinigay na utos sa kanya ni Pangulong Duterte at ito ay tiyaking magsasalita para sa bansa at huwag magsinungaling.


Samantala, sinabi din ni Roque na plano niyang magbigay ng regular na press briefing sa Marawi City para malaman din niya ang sitwasyon doon at maihatig sa mga bakwit ang mga programa ni Pangulong Duterte para maibalik sa normal ang kanilang mga buhay.

Facebook Comments