Manila, Philippines – Bilang isang Human Rights Lawyer ay nasaktan si Presidential Spokesman Secretary Harry Roque sa naging pahayag ni Commission on Human Rights Commissioner Roberto Cadiz na nagsabi na kinukutiya ng ilang abogado ang rule of law at ang karapatang pangtao.
Ayon kay Roque, imbes na batikusin ang mga abogado ay mas magandang magsagawa nalang ito ng imbestigasyon kaugnay sa mga ginawang pang-aabuso ng teroristang Maute group sa Marawi City.
Hinamon din ni Roque si Cadiz na pangalanan ang mga abodagong sinasabi nito na kumukutya sa rule of law at human rights sa bansa dahil bilang isang abogado ay nasaktan siya sa mga sinabi ni Cadiz.
Sinabi din ni Roque na hindi naman makakatulong ang CHR sa paghahabol sa Maute kaya ang gumagawa din ng hakbang ang gobyerno para mapanagot ang mga ito.