Secretary Harry Roque, pormal nang mauupo bilang tagapagsalita ng pangulo

Manila, Philippines – Ngayong araw na manunumpa sa posisyon si Presidential Spokesman Secretary Harry Roque kay Pangulong Rodrigo Duterte.
Mamayang hapon pasado 3:00 ng hapon ay 5 bagong Presidential Appointees ang manunumpa sa harap ng Pangulo at kabilang dito sa Roque habang hindi naman inilalabas pa ng Palasayo ang pangalan ng 4 na iba pa.
Ayon ay Roque, mayroon din siyang mga iaanunsiyong malalaking inisyatibo ng Pangulo para sa rehabilitasyon ng Marawi City na mga aral aniya mula sa Yolanda rehabilitation.
Paliwanag ni Roque, mayroon aniyang itatalaga si Pangulong Duterte na isang tao at aatasan ang kanyang gabinete na makipag-ugnayan dito para sa Marawi rehabilitation.
Umaasa naman ang Pangulo sa pagkakatalaga kay Wendel Avisado bilang Yolanda Czar para tapusin ang matagal nang nakabiting proyekto para sa mga nabiktima ng bagyong Yolanda.

Facebook Comments