Secretary Lorenzana, nakipagpulong sa Spanish Defense Minister sa Madrid

Nakipagpulong si Defense Secretary Delfin Lorenzana kay Spanish Minister of Defense Margarita Robles, sa kanyang unang opisyal na pagbisita sa Ministry of Defense ng Spain sa Madrid nitong Martes.

Pinag-usapan ng dalawang opisyal ang mga isyu kaugnay sa “mutual interest” ng dalawang bansa kabilang ang pagpapalakas ng “partnerships” sa Indo-Pacific Region, pagsulong ng “Multilateral cooperation” at pagtugon sa “Climate Change”.

Ikinatuwa naman ni Lorenzana ang gumagandang ugnayang pangdepensa ng Pilipinas sa mga kaibigang bansa sa Europa, kabilang ang España.


Nagkasundo naman ang dalawang panig na palakasin ang pagtutulungan sa defense industry, palawigin ang palitan ng mga mag-aaral at isulong ang iba’t ibang larangan ng kooperasyong pangdepensa.

Kabilang sa mga aktibidad ni Lorenzana sa España ang kanyang paglagda kahapon ng kasunduan sa pagitan ng Department of National Defense (DND) at National Intelligence Centre (CNI) of the Kingdom of Spain kaugnay ng Protection of Classified Information in the Field of Defense.

Dadalo rin si Secretary Lorenzana sa International Defense Industry Exhibition (FEINDEF) 2021 sa Madrid.

Facebook Comments