Secretary Martin Andanar, tiniyak na pananagutin ang kanyang media team sakaling magkamali nanaman sa kanilang trabaho

Manila, Philippines – Inatasan ni Presidential Communications Secretary Martin Andanar ang kanyang media team na doblehin ang pagiingat lalo na sa pagpo-post sa social media accounts ng Office of the Presidential Communications Office o PCOO.

Matatandaan kasi kahapon ay mayroon Twitter post ang PCOO kung saan nakalagay ang katagang FAFDA na wala namang ibig-sabihin na napansin naman ng mga Netizens at nag-trending pa ito sa bansa.

Ayon kay Andanar, dapat ay todo ang pag-iingat ng kanyang mga tauhan sa mga ganitong bagay dahil ito ay mabilis na nakikita ng mga sumusubaybay sa kanila.


Sinabi din nito na magsisilbi itong babala sa kanyang mga tauhan na kapag naulit pa ang ganitong insidente ay tiyak na mayroong mananagot.

Matatandaan na makailang ulit din nasalang sa intriga ang PCOO dahil sa magkasunod na pagkakamali ng Philippine News Agency na nasa pangangasiwa ng PCOO.

Facebook Comments