Inihayag ni Chief Presidential Legal Counsel at Presidential Spokesman Secretary Salvador Panelo na hindi na niya kailangang humingi ng dispensa o paumanhin kay dating PCSO General Manager Alexander Balutan na una na niyang inanunsiyong sinibak ni Pangulong Rodrigo Duterte.
kahapon kasi ay naglabas ulit ng pahayag si Panelo at nilinaw na hindi sinibak kundi nagbitiw lang sa posisyon si Balutan dahil sa delikadeza matapos maakusahan ng katiwalian sa PCSO.
Ayon kay Panelo, nakausap na niya kahapon si Balutan at natuwa pa ito sa paglilinaw ng Malacañang sa una nitong naging pahayag.
Isinisi pa ni Panelo kay Balutan ang kalituhan dahil noong biyernes ng nakaraang linggo pa ito dapat nagbitiw pero nalate pa kaya in good faith ang kanyang unang naging anunsiyo.
Sa ngayon aniya ay susulat siya kay Pangulong Duterte ukol sa hiling ni Balutan na imbestigahan ang sinasabing katiwalian sa PCSO.
Sinabi din ni Panelo na mas maganda na ang Office of the Ombudsman ang humawak sa imbestigasyon imbes na ang Office of the President.