Secretary Roque, handang magbitiw kung mananaig ang mga supporters ni Pangulong Duterte

Manila, Philippines – ‘Ako pa ang magsasabi kay Pangulong Duterte.’

Ito ang tahasang sinabi ni Presidential Spokesman Secretary Harry Roque bilang sagot sa patutsada ni Thinking Pinoy o mas kilala bilang RJ Nieto.

Nabatid na sinabi ni Nieto na tila nagkamali si Pangulong Duterte sa kanyang pagpili kay Roque bilang kanyang tagapagsalita at ipinanawagan pa nito sa kanyang mga supporters na ikalat ito upang makalapit mismo kay Pangulong Duterte.


Ayon kay Roque, mismong siya pa ang magsasabi kay Pangulong Duterte na gusto siyang paalisin sa puwesto ni Nieto.

Sinabi din ni Roque na handa din siyang bumaba sa posisyon kung mananaig ang panawagan ng mga taga suporta ni Pangulog Duterte.

Nagmula ang issue na ito nang ipagtanggol ni Roque ang mainstream media sa mga tirade ng mga online supporters lalo na ng mga kilalang bloggers na supporters ni Pangulong Duterte.

Facebook Comments