Secretary to the Mayor ng Cotabato City, patay sa pamamaril!

69

Nagpapatuloy ang imbestigasyon ng PNP kaugnay sa insidente ng pamamaril kay Secretary to the Mayor Anecito Boy Rasalan.

Sa impormasyon na ipinarating sa DXMY ng City PNP, kumakain sa loob ng Sehua Carenderia sa bahagi ng ND Avenue, Rh 2 pasado alas 7 kaninang umaga si Rasalan ng lapitan ng di nakilalang gunman at sabay na pinagbabaril sa ibat ibang bahagi ng kanyang katawan.


Gamit ng suspek ang kalibre kurentay singko base na rin sa limang empty shells na narekober sa crime scene. Agad rin itong tumakas sakay ng motorsiklo.

Nagawa pang maisugod sa CRMC si Rasalan ngunit dineklara itong dead on arrival.

Noong 2015, nauna naring pinagtangkaan ang buhay ni Sec. Rasalan sa bahagi ng Sinsuat Avenue.

Nanawagan naman ng hustisya ang pamilya ni Rasalan maging ang kanyang mga kasamahan sa City Hall.

Bago pumasok sa gobyerno naging Media Worker pa ng mahabang panahon si Sec. Rasalan.




Facebook Comments