Pinangasiwaan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang isinagawang sectoral meeting ngayong umaga.
Agenda ng isinagawang sectoral meeting ang patungkol sa rightsizing program ng pamahalaan.
Kabilang sa sectoral meeting na pinangunahan ng pangulo ay sina Executive Secretary Lucas Bersamin, Special Assistant to the President Antonio Lagdameo, Press Secretary Cheloy Garafil, DBM Undersecretary Wilford Will Wong at DBM Director John Aries Macaspac.
Sa pagpupulong ay binigyan ng update ang pangulo kaugnay sa usad o development ng ikinakasang government right-sizing na naglalayong mas palakasin pa ang institutional capacity ng gobyermo at mas mapaganda pa ang serbisyo sa publiko.
Una nang naaprobahan sa third at final reading ng House of Representatives ang priority bill No 7240 o ang proposed Act Rightsizing the National Government.
Nakapaloob sa panukala na binibigyang karapatan ang pangulo na alisin ang redundant, duplicate at overlapping functions sa mga posisyon sa executive branch.
Ito ay upang mas matiyak ang epektibo at mabilis na pagbibigay ng serbisyo sa publiko.