Pormal na inilunsad sa lalawigan ng Pangasinan ang SAFE (Secure, Accurate, Fair Election) para sa National and Local Election sa darating na May 9.
Nanguna ang PNP Provincial Office, COMELEC, DILG at Philippine Army kasama ang iba’t ibang mga partner agencies, religious sectors at iba’t ibang sectoral leaders.
Sinabi ni PCol. Richmond Tadina, PNP Provincial director na may mga monitoring na sila ng activity progress ng mga national candidates na nagtutungo sa lalawigan ng Pangasinan dahil sa maituturing itong isa sa vote rich province.
Dagdag pa ni Tadina na kailangang siguruhin ang kaligtasan ng lahat ng mga nagtutungo sa lalawigan batay sa direktiban ng pambansang kapulisan ukol sa mga national candidates na nagsasagawa ng kanilang pangangampanya dito.
Sa hanay naman ng COMELEC Pangasinan ay sinabi ni Atty. Ericson Oganiza, Election Supervisor ng lalawigan na ito ay umaasang makakamit ang pinakalayunin na magkaroon ng Honest, Orderly and Peaceful Election at sa paggabay sa mga poll workers.
Malaki naman umano ang magiging tulong ng ganitong hakbang upang mas mapataas pa ang morale dahil ganitong paraan ng programa ay nakikita ang pagkakaisa ng iba’t ibang sektor para maipatupad ang halalan ng payapa.
Aktibo din namang makikilahok ang hanay ng DILG kung saan sinabi ni Provincial Director Paulino Lalata ukol sa hangarin ng lahat na safe election.
Ipinaabot din naman ng iba’t ibang sektor ang kanilang pasasalamat sa hanay ng COMELEc matapos na igawad sa mga ito ang Accreditation bilang COMELEC Citizen Arm kung kaya’t patuloy sila sa pagsasagawa ng voters education at information upang maipalam ang role ng multi sectoral sectors sa halalan. | ifmnews