Pinasasampahan ng kaso ni Philippine National Police (PNP), Civil Security Group (CSG) Director, PB General Roberto Fajardo ang security agency ng Minergy Power Plant sa Sitio Bahusan, Barangay Quezon, Balingasag, Misamis Oriental matapos na makuhaan ng 5 AK-47 rifles, sa pag-atake ng New People’s Army (NPA) nitong Lunes ng umaga.
Ayon kay Fajardo, kung mapatunayan sa imbestigasyon na nilabag ng security agency ang mga alituntunin sa pag-iingat ng mga high powered firearms, na nakuha ng mga terorista nang disarmahan nila ang mga guwardiya.
Aniya may memorandum na inilabas ang Confederate Sentinels Group (CSG) sa Firearms and Explosives Office (FEO) at Supervisory Office for Security and Investigation Agencies (SOSIA) batay na rin sa kautusan ng Pangulong Duterte noong Mayo 2017, na nagbabawal sa mga sibilyan na magkaroon ng mga high-powered firearms.
Ito ay dahil sa ilang mga insidente ng agaw-armas kung saan nakakakuha ang mga kalaban ng estado ng matataas na kalibre ng baril mula sa mga sibilyan at private security guards (PSG).
Ang mga naturang baril na hawak ng mga sibilyan at private security agencies ay ipinag-utos na isuko sa pinakamalapit na himpilan ng pulisya para sa ipatago.
Ayon kay Fajardo, ang pwede lang armas na gamitin ng mga security guards ay shotgun at handgun.