Security camera sa mga bus, hindi sapat para sa isang kongresista

Para kay Quezon 3rd District Rep. Reynante Arrogancia, hindi sapat na mayroon lamang security camera sa mga bus para mapigilan ang sinuman sa pagsasagawa ng krimen tulad ng pagpatay at hold-up.

Mungkahi ni Arrogancia sa Philippine National Police (PNP) at Department of the Interior and Local Government (DILG) na makipagtulungan sa mga alkalde at bus firm.

Para ito sa pagtatalaga ng mga barangay tanod at local police na magsasagawa ng security check sa mga bagahe at pasahero sa bus stops.


Pahayag ito ni Arrogancia, kasunod ng pagpaslang sa dalawang pasahero ng bus na pinagbabaril habang nasa biyahe sa bahagi ng Nueva Ecija patungo Sa Maynila.

Kaugnay nito ay pinabubuo rin ni Arrogancia ang PNP at DILG ng task force na magsasagawa ng malalimang imbestigasyon sa insidente.

Facebook Comments