Security detail ng mga government officials at pribadong indibidwal, ni-recall para sa Barangay at SK Elections

Sinimulan nang bawiin ng Police Security Protection Group (PSPG) ang kanilang mga tauhan na naka-detail sa mga opisyal ng gobyerno at pribadong indibidwal.

Ayon kay PSPG acting Director Police Colonel Rogelio Simon sa 920 protective security personnel sa buong bansa, 679 ang subject ng recall kung saan 495 PSP ang nagbibigay ng seguridad sa 285 opisyal ng gobyerno habang 425 PSP ang nagbibigay ng seguridad sa 309 pribadong indibidwal.

Sinabi ni Simon na ang pagbawi sa mga security detail ay alinsunod sa COMELEC Resolution 10918 bilang bahagi ng paghahanda sa Barangay at Sangguniang Kabataan (SK) Elections sa Oktubre 30.


Aniya, kinakailangan kumuha ng Certificate of Authority for Security Detail mula sa COMELEC ang mga opisyal ng gobyerno at pribadong indibidwal para maibalik ang kanilang seguridad.

Samantala, isasailalim ang mga ni-recall na pulis sa VIP Security and Protection Refresher Course upang mapahusay ang kanilang protective security skills.

Facebook Comments