
Kinumpirma ng Philippine National Police (PNP) na ni-recall ng Police Security and Protection Group ang 5 pulis na nakatalaga bilang protective security ni Ako Bicol Party-list Representative Zaldy Co.
Ayon kay PNP Public Information Office Chief PBGen. Randulf Tuaño, Standard Operating Procedure (SOP) ng Police Security and Protection Group (PSPG) na i-recall ang mga pulis kapag nasa abroad ang kanilang VIP.
Wala naman aniyang alam ang PSPG kung saang bansa kasalukuyang naroroon si Co.
Matatandaang nag-request na ang Department of Justice (DOJ) sa International Criminal Police Organization (INTERPOL) na magpalabas ng Blue Notice laban kay Co na nadadawit ngayon sa flood control projects anomalies at insertions sa national budget.
Facebook Comments









