Security drill, isinagawa ng pulisya sa isang hotel sa QC

Quezon City – Nagsagawa ng security drill ang pulisya sa isang hotel sa Quezon City.

Ito ay kasunod ng insidente ng pag-atake ng isang gunman sa Resorts World Manila nitong hunyo na ikinasawi ng 38 biktima.

Ang scenario – dalawang armadong lalaki ang kunwaring mangho-hostage ng mga empleyado at customer ng hotel.


Sa drill, namaril ang isang lalaki dahil hindi maituro ang manager ng hotel.

Agad namang rumesponde ang pinagsanib pwersa ng Special Weapons and Tactics (SWAT), Quezon City Police District (QCPD).

Nailikas ang mga bihag at nakorner ang mga nagkunwaring suspek.

Pero ang resulta ng drill, lumalabas na kunwari ay may 13 ang namatay habang 11 ang sugatan.

Facebook Comments