Security experts, nagbabala sa planong joint exploration ng Pilipinas at China sa West Philippine Sea

Manila, Philippines – Nagbabala ang ilang security expert sa planong joint exploration ng Pilipinas at China sa West Philippine Sea.

Ayon kay dating ambassador to the U.S. Jose Cuisia Jr. – duda siya sa sinseridad ng China dahil na rin sa patuloy na pagpapalakas ng puwersa nito sa mga pinag-aagawang teritoryo.

Nababahala naman si dating National Security Adviser Roilo Golez na baka madehado ang Pilipinas sa naturang joint exploration.


Sinabi noon ni Senior Supreme Court Associate Justice Antonio Carpio na labag ang ganitong kasunduan sa loob ng tinatawag na exclusive economic zone ng bansa.

Pero sabi ni Foreign Affairs Sec. Alan Peter Cayetano – nakasisiguro siyang hindi malalabag ng ikinakasang joint exploration ang saligang batas.

Dagdag pa ng kalihim, ginagawa ng pamahalaan ang lahat para protektahan ang interes ng pilipinas.

Pinangangambahan din kasi ang posibleng pagtatayo ng China ng mga istruktura sa Scarborough shoal na hakbang para tuluyang makontrol ng Beijing ang buong karagatan.

Facebook Comments