Security forces na itatalaga sa Nazareno 2023, all systems go na

All systems go na ang pwersa ng security forces na itatalaga sa pagdiriwang ng Pista ng Itim na Nazareno.

Tinatayang nasa 6,000 uniformed personnel ng Philippine National Police (PNP), Armed Forces of the Philippines (AFP), Bureau of Fire Protection (BFP), at Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang nagtipon-tipon kanina sa send-off ceremony sa Rizal Park ampitheater para sa Nazareno 2023 sa pangunguna ng Manila Police District (MPD) at Manila Local Government Unit (LGU).

Ang naturang force multiplier ay ide-deploy na simula bukas para sa magbantay sa Nazareno 2023.


Inatasan naman ni Manila Mayor Honey Lacuna ang security forces na mahigpit na ipatupad ang health protocol at maximum tolerance sa mga debotong dadalo sa naturang pagdiriwang.

Facebook Comments