Security Guard, Arestado sa Paglabag ng Omnibus Election Code!

Santiago City, Isabela – Lumabag sa omnibus election code ang isang security guard sa oras na alas singko kwarentay singko ng hapon sa Barangay Centro East, Santiago City, ika dalawampu ng Abril, taong kasalukuyan.

Sa panayam ng RMN Cauayan kay Police Chief Inspector Rolando Gatan ng Santiago Police Station 1 nakilala ang security guard na si Henry Davin Palafox, apatnaput anim na taong gulang, may asawa at residente ng San Jose, Santiago City.

Sinabi pa ni PCI Gatan na habang binaybaybay ni Police Senior Superintendent Cornello P. Comila ang kahabaan ng Cordon, Isabela ay namataan niya si Palafox sa tapat ng pinagsisilbihang gusali na nakasibilyan at may dalang shot gun, na naging dahilan ng opisyal upang hulihin ang nasabing guwardiya.


Sa imbestigasyon ay walang maipakitang dokumento si Palapox sa rason na inalis lamang umano niya ang kanyang uniporme at wala sa isip ang comelec gun ban dahil sa haba ng oras ng kanyang naging duty.

Ipinaliwanang pa ni Inspector Gatan na inaresto pa rin si Palafox at kinunpiska ang shot gun kung saan nasa tanggapan na ng Santiago Police Station 1 para sa tamang disposisyon.

Facebook Comments