Security guard at 2 nagpanggap na empleyado ng Manila International Container Port, timbog sa pangingikil!

Manila, Philippines – Huli ang isang empleyado ng Manila International Container Port o MICP at dalawa pang pekeng empleyado dahil sa pangingikil.

Ang modus ng mga suspek na sina Allan Pagkalinawan, isang security guard ng MICP, pamangkin na si Brian John Cruz, at isang anak ng Customs police na si Efren Jaramilla, hihingan nila ng pera ang truck operator para bumilis ang proseso.

Nang mahuli ang tatlo, narekober sa mga ito ang pinagsama-samang pera na aabot sa P22, 000.00.


Itinanggi ito ni Pagkalinawan at sinabing ticket pass lang ang inaabot niya sa truck operator at tinutulungan naman siya ni Cruz dahil may sakit umano siyang diabetes.

Dagdag pa ni Pagkalinawan, nagta-traffic naman sa MICP si Jaramilla at aniya, hindi ito nanghihingi ng pera.

Facebook Comments