Security Guard na kasalukuyang Nag-iinspeksyon sa Seaport, Patay matapos Tangayin ng Malakas na Alon

Cauayan City, Isabela- Patay ang isang security guard matapos tangayin ng malakas na alon sa dagat ng mahulog ito habang nagsasagawa ng inspeksyon sa ginagawang seaport sa Claveria, Cagayan.

Ito mismo ang kinumpirma ng Municipal Disaster Risk Reduction Management Office (MDRRMO).

Kinilala ang biktima na si Pedro Sanjilan, 27-anyos at residente ng Barangay Centro 3 sa nabanggit na bayan.


Nangyari ang insidente bandang alas-7:30 ngayong umaga ng aksidenteng mahulog at tangayin ng malakas na alon ang biktima.

Agad namang na-rescue ng Maritime Group at Rescue 41 ang biktima subalit idineklara na itong dead on arrival ng kanyang duktor.

Samantala, pinag-iingat naman ang publiko at maging alerto sa banta ng Tropical Storm Maring.

Facebook Comments