Nagpositibo sa COVID-19 ang 51-anyos na si Hilarion Ochondo, ang security guard na nanutok ng hiringgilya sa leeg ng isang doktor sa emergency room ng East Avenue Medical Center.
Ayon kay QCPD Director PBGen. Ronnie Montejo, habang nasa kustodiya nila si Ochondo ay nagreklamo ito ng paninikip ng dibdib.
Dito na siya dinala sa Quirino Medical Center at base sa resulta ng kaniyang swab test, lumilitaw na positibo sa COVID-19.
Dahil dito, isinailalim na sa quarantine ang limang pulis ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) na nagkustodiya kay Ochondo.
Facebook Comments