Security guard na sangkot sa “indiscriminate firing”, arestado ng QCPD

Bumagsak ng mga tauhan ng Quezon City Police District (QCPD) ang isang security guard na sangkot sa “indiscriminate firing” sa pagsalubong ng Bagong Taon.

Sa ulat ng Talipapa Police Station, kinilala ang naarestong suspek na si Boy Bagua, 44 anyos, isang security guard at residente ng Brgy. Beesa, Quezon City.

Ayon sa QCPD, nahuli siya kahapon sa tulong ng concerned citizen na nag-report sa kanyang pagpapaputok ng baril sa Baesa Road.


Ayon naman sa Talipapa Police Station, nasa impluwensya ng alak ang suspek ng mangyari ang walang habas na nagpaputok.

Narekober naman sa guard ang isang Cal. 38 na baril at mga bala.

Paglabag sa R.A. 11926, o Indiscriminate Discharge of Firearms, at R.A. 10591, o Comprehensive Firearms and Regulation Act ang kakaharapin kaso ng suspek.

Samantala, maliban sa 1 insidente ng indiscriminate firing, iniulat naman ng Quezon City Police District (QCPD) na walang krimen na pasok sa 8 focus crimes ang naganap sa pagsalubong sa Bagong Taon.

Dahil dito, sinabi ni QCPD Director PBGen Redrico Maranan Jr., na “Generally Peaceful” ang paggunita sa Bagong Taon sa Quezon City.

Facebook Comments